Ang rehiyonal na pagboto (regional voting) ay isang penomenon sa Filipinas kung saan nakabatay ang boto ng isang indibidwal sa teritoryal na pagkakaugnay niya sa isang kandidato. Ang hindi patas na distribusyon ng boto ay itinuturing na balakid sa ganap na pagkakaisa ng mga Filipino tungo sa pambansang kaunlaran at pagkakaroon ng hindi makatarungang eleksyon. Layunin ng papel na ito na susuriin ang penomenon ng rehiyonal na pagboto gamit ang mga nakapaloob na etikal na konsepto sa pilosopiya ng …
Read moreAng rehiyonal na pagboto (regional voting) ay isang penomenon sa Filipinas kung saan nakabatay ang boto ng isang indibidwal sa teritoryal na pagkakaugnay niya sa isang kandidato. Ang hindi patas na distribusyon ng boto ay itinuturing na balakid sa ganap na pagkakaisa ng mga Filipino tungo sa pambansang kaunlaran at pagkakaroon ng hindi makatarungang eleksyon. Layunin ng papel na ito na susuriin ang penomenon ng rehiyonal na pagboto gamit ang mga nakapaloob na etikal na konsepto sa pilosopiya ng sakop ni Leonardo Mercado. Sa ganitong uri ng pananaw-sa-mundo na may mataas na pagpapahalaga sa relasyon niya sa kapwa at kapakanan ng kanyang sakop ay makikita ang pagkakaiba ng mga batayan sa tama at mabuti, mali at masama sa kung ano ang magbibigay kasiyahan at kabiguan sa kanyang sakop. Ang konsepto ng kabutihang panlahat ay anumang nakabubuti sa “lahat” ng kasama sa kanyang sakop; ang pagkakaroon ng dobleng pamantayan ng katarungan; at ang pamantayan sa pagpili ng mabuting lider ay kung sino mang makabubuti at magbibigay kaunlaran sa kanyang sakop at sarili. Sa gayon, mahalaga ang isasagawang pag-aaral upang maunawaan ang penomenon na ito at magkaroon ng pagsusuri tungo sa mga kinakailangang pagbabago upang maglagay kaayusan sa negatibong dulot ng rehiyonalismo partikular sa darating na Halalan 2022. Maaari ding ituring ang papel na ito bilang pagpapalawak sa etikal na katangian ng pilosopiya ng sakop.