Isa sa mga paksa na malimit maisantabi ng lipunan ay ang usapin ukol sa
kalikasan. Maraming mga ideyang lumulutang at binibigyang-buhay ang mga kaisipang
ito sa pamamagitan ng mga konkretong proyekto. Sa kabila ng mga usapin na ito,
nagiging kabilang pa rin ang usaping pang-kalikasan sa mga nakakalimutang diskurso
ng lipunan; anupa’t batid ang katotohanang malaki ang gampanin ng kalikasan sa pang
araw-araw na pag-iral ng tao. Hinahangad ng papel na ito na makapagbigay-ambag sa
diskurso sa pamama…
Read moreIsa sa mga paksa na malimit maisantabi ng lipunan ay ang usapin ukol sa
kalikasan. Maraming mga ideyang lumulutang at binibigyang-buhay ang mga kaisipang
ito sa pamamagitan ng mga konkretong proyekto. Sa kabila ng mga usapin na ito,
nagiging kabilang pa rin ang usaping pang-kalikasan sa mga nakakalimutang diskurso
ng lipunan; anupa’t batid ang katotohanang malaki ang gampanin ng kalikasan sa pang
araw-araw na pag-iral ng tao. Hinahangad ng papel na ito na makapagbigay-ambag sa
diskurso sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga mukha ng paniniil ni Iris Marion
Young at ekofeminismo. Bagaman si Iris Marion Young ay kilalang pulitikal na
pilosoper, hindi hangad ng may-akda na pag-usapan ang kanyang mga pulitikal na
kaisipan bagkus kung papaanong ang kanyang pilosopiya ay kinakitaan ng kaugnayan
sa ekofeminismo. Sa panig naman ng ekofeminismo, hindi tinalakay ng may-akda ang
iba’t-ibang klase ng kaisipan sa ilalim ng malabay na konsepto ng ekofeminismo.
Tanging mga pangunahing ideya lamang ng ekofeminismo ang ginamit para sa papel na
ito. Ipinapalagay ng papel na ito na umiiral ang ugnayan kay Young at sa
ekofeminismo; ang mga ito naman ang mga mahahalagang kaisipan na nagsusulong sa
diskursong pang-kalikasan. Iminumungkahi ng may-akda ang magkaroon ng pagbabago
ng perspektibo at tingnan ang mga koneksyong nahanap upang maging positibong
porma ng paniniil.