Ang pakikipagtalaban ng tao ay karaniwang mula sa sarili patungo sa mga katotohanang labas sa kanya. Nakikipag-ugnayan siya sa bawat meron sa dalawang paraan. Ang mga ito ay ang mga ugnayang Ako-Ito at Ako-Ikaw. Ang Ako na tinutukoy sa dalawang paraan ay ipagpapalagay natin, tulad ng nararapat, na iisa ngunit kung ating pag-uusapan na ang ugnayang nagaganap, atin na itong ipagpapalagay na magkaiba. Sa una, ang merong Ako ay nakikipagtalaban sa isang Ito bilang obheto ng obserbasyon, repleksyon a…
Read moreAng pakikipagtalaban ng tao ay karaniwang mula sa sarili patungo sa mga katotohanang labas sa kanya. Nakikipag-ugnayan siya sa bawat meron sa dalawang paraan. Ang mga ito ay ang mga ugnayang Ako-Ito at Ako-Ikaw. Ang Ako na tinutukoy sa dalawang paraan ay ipagpapalagay natin, tulad ng nararapat, na iisa ngunit kung ating pag-uusapan na ang ugnayang nagaganap, atin na itong ipagpapalagay na magkaiba. Sa una, ang merong Ako ay nakikipagtalaban sa isang Ito bilang obheto ng obserbasyon, repleksyon at paggamit sa kanyang paligid. Sa relasyong ito idinidiin ng Ako ang kanyang kaibhan sa Ito. Higit pa rito ay ang kanyang pagiging higit sa Ito. Sa kabilang dako, ang merong Ako sa ugnayang Ako-Ikaw ay nakikipagtalaban sa isang Ikaw bilang lampas sa pagiging obheto, ibig sabihin may pagtitig din sa pagiging suheto ng Ikaw. Sa ugnayang ito para bang ipinapantay, kung mula sa ibaba ang kalagayan ng Ikaw, ang Ako sa kinaroroonan ng Ikaw; o kaya naman ay pakikipagtagpo, kung mula sa itaas ang kinaroroonan ng Ikaw, ang Ako sa Ikaw sa tulong na rin ng Ikaw na Ako ay makatalaban.