•  48
    Ang Pagtatalaban ng Eros at Agape ayon kay Benito XVI
    Theoria: The Academic Journal of the San Carlos Seminary Philosophy Department 1 13-27. 2011.
    Sa pagdaloy ng kasaysayan, ang mga pilosoper at manunulat ay mayroong iba't ibang tawag sa salitang pag-ibig. Sa katunayan, ang pag-ibig ay nagkaroon ng iba't ibang uri o mukha. May mga nagsasabing may apat na uri raw ng pag-ibig. Una, may pag-ibig daw na dumadaloy mula sa Diyos patungo sa tao; ikalawa, may pag-ibig naman daw na dumadaloy mula sa tao patungo sa Diyos; ikatlo, may pag-ibig din daw ng Diyos tungo sa kanyang Sarili; at ang huli't ikaapat, may pag-ibig daw ng tao sa kapwa-tao. Sa p…Read more
  •  49
    Ang Ugnayang Ako-Ikaw Lampas Ako-Ito: Tungo sa Pagtuklas ng Diyos bilang Ubod-Tigib-Apaw-Ikaw (Isang Pilosopikal na Sanaysay)
    Theoria: The Academic Journal of the San Carlos Seminary Philosophy Department 2 3-12. 2012.
    Ang pakikipagtalaban ng tao ay karaniwang mula sa sarili patungo sa mga katotohanang labas sa kanya. Nakikipag-ugnayan siya sa bawat meron sa dalawang paraan. Ang mga ito ay ang mga ugnayang Ako-Ito at Ako-Ikaw. Ang Ako na tinutukoy sa dalawang paraan ay ipagpapalagay natin, tulad ng nararapat, na iisa ngunit kung ating pag-uusapan na ang ugnayang nagaganap, atin na itong ipagpapalagay na magkaiba. Sa una, ang merong Ako ay nakikipagtalaban sa isang Ito bilang obheto ng obserbasyon, repleksyon a…Read more
  •  43
    Ang Pag-Ibig bilang Higit na Pagtuklas sa Pag-iral sa Karanasang Maka-Pilipino
    Theoria: The Academic Journal of the San Carlos Seminary Philosophy Department 3 3-16. 2013.
    Sa paghahanap ng Pilipino sa katuturan ng kanyang pag-iral, laging tumatambad sa kanya ang isang katotohanan: KAMATAYAN, ang hantungan ng paghahanap ng tao sa kanyang kahulugan. Subalit para sa Pilipino at sa kultura nito, ang kamatayan ay hindi naman talaga trahedya. Ito ay hindi lamang hantungan ng buhay ng tao at kasakasama na ito ng tao. Para sa mga Pilipino, mayroong nagbibigkis sa namatay at namatayan: at iyon ay PAG-IBIG, ang tulay na nagdurugtong sa kapanganakan at kamatayan ng isang tao…Read more