-
16842This article aims to highlight the resounding issue regarding the pandemic caused by COVID-19 in the Philippines. In hindsight, it seems that contemporary Filipinos treat its spread as a new and first disease that our society has experienced. It only reflects the inexhaustible study of Filipino pathology. So there is a tendency for the Filipino government to tarnish or not take the future pandemic seriously because apart from the lack of knowledge about pandemics, it is possible that our society…Read more
-
8313The masterful works Noli Me Tangere (1887) and El Filibusterismo (1891) can be considered as post-colonial writings because they are constantly studied and used as tools for raising awareness and remembering the violence and personal experiences of the Filipino society. This is an indirect description of the colonial period in the perspective of modern times. However, the teaching and appreciation of these writings become complicated because they are often neglected or otherwise considered as a …Read more
-
7878Ang Kababaihan ng Katipunan, Ang Katipunan sa Kababaihan: Isang Diskurso sa Ambag ng mga Babae sa Himagsikang PilipinoSaliksik E-Journal 6 (2): 97-154. 2017.Matagal nang dinalumat ang konsepto ng Inang Bayan bilang kabuuang tunguhin ng kilusang panghimagsikan ng Kataastaasan, Kagalang-galangang Katipunan (KKK) ng mga Anak ng Bayan. Lehitimong gawain ito dahil bukod sa kontekstong nakaugat ang bayan sa ina/mater vis-à-vis patria, mahihinuha ring malaki ang pagkilala ng Supremong si Andres Bonifacio sa kadakilaan ng kababaihan sa panahon ng himagsikan. Sa kabila nito, masasabing may suliranin sa historiograpiyang Pilipino dahil isinasantabi ng ilang p…Read more
-
1909Ang Manila Boy sa Lansangan ng Asya: Naratibong Ulat Tungkol sa Pampublikong Transportasyon sa Timog Silangang AsyaLikhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature 15 (1): 120-161. 2021.Sa halos dalawang taong pananalasa ng COVID-19 sa buong daigdig, marami nang nabago sa kapaligiran at mobilidad ng mga tao sa bawat lipunan. Kinasapitan at pumalaot ang lahat sa tinurang Bagong Kadawyan (New Normal) (hiram mula kay Reyes 2020) —isang transisyong pantao na lubhang nagpabago sa mga kinasanayang gawi. Nariyan ang pagbabago sa edukasyon, paghahanapbuhay, libangan, at mga transportasyon. Sa kaso ng mga manlalakbay, salot ang idinulot ng pandemya sapagkat pinaralisa nito ang daloy ng …Read more
-
1556Introduksiyon Sentro ng kabuoang aklat na ito ang paglalakbay –partikular na ang paglalakbay ng mga Pilipino gamit ang pananaw at wikang F/Pilipino. Sa ilang pagkakataon, isa ang paglalakbay sa hindi gaanong nabibigyan ng pansin sa pag-aaral ng lipunan, sa kabila ng pinagyayaman na itong matagal sa Kanluran at marahil isa ng ganap na diskurso. Mababakas ito sa kanilang pagpapakahulugan sa mga taong naglalakbay. Halimbawa nito ang mga Pranses na voyageur at Anglo-Amerikanong katumbas sa paglalakb…Read more
-
1477Kasaysayang Buhay ni Kapitan Moy (1851-1891) sa Konteksto ng Kasaysayang MariqueñoHasaan Journal 6 (1): 48-90. 2020.Patúloy nating kolektibong ginugunita ang kadakilaan ng mga bayaning Pilipino sa iba’t ibang sektor, panahon at perspektiba ngunit mababatid nating hindi pa rin sapat ang pagpapahalaga sa kanila dahil (1) limitado ang kaalaman hinggil sa kanila, (2) nagiging mailap ang mga datos patungkol sa kanila at (3) higit na binibigyang-pansin ang mga bayaning matagal nang iniangat sa pedestal. Laganap ang pananalambúhay sa mga ganitong bayaning nasa pedestal buhat pa noong panahong kolonyal hanggang sa ka…Read more
-
1439Panimulang Pagbabalangkas sa Ugnayan/Pagkaka-Ugnay ng Panlasang Kapilipinuhan sa mga Piling Pagkaing Natikman sa Ibayong Dagat ng Timog Silangang AsyaTala Kasaysayan: An Online Journal of History 4 (1): 1-45. 2021.It is quintessential to be acquainted with the complex cultural linkages between a nation and the globalized world— notably, the Philippines as a part of the Southeast Asian Region. The study centers on Filipino cuisine, academization, and its affinities. We may regard the concept of food and the act of partaking in it (i.e., eating) as mundane and ubiquitous in a way. Instead, we must view food and subsistence as a crucial part of cultural and historical inquiry. Some social scientists and scho…Read more
-
1364Hidden Sacrifices: Narratives of Select Filipina Overseas Workers in Southeast AsiaSocial Sciences and Development Review 12 (1): 95-116. 2020.In my essay “Chasing Waves: Reflection on Southeast Asian Fisherfolk (2021a),” I already featured the less documented experience of the socially marginalized. My essay focused on the personal narratives of Bruneian fishermen of Kampor Ayer, Brunei Darussalam (2016); the fishermen of Mui Ne, Vietnam (2017); and the Intha of Myanmar (2018), with whom I had the fortunate chance to converse with. However, my personal travel experience in the three countries only gave voice to “non-Filipino workers.”…Read more
-
1349Mga Elementong Katutubo at Pakahulugan sa mga Pananagisag sa Nagcarlan Underground Cemetery, Nagcarlan, LagunaTala Kasaysayan: An Online Journal of History 3 (2): 31-118. 2020.Marami sa mga simbahan (iglesia) at libingan (cementerio) ang itinayo noong panahon ng mga Español sa dati nang sinasambahan at nililibingan ng mga katutubo, kung kaya bahagi pa rin ng pagtatawid sa sinaunang pananampalataya patungo sa tinatawag na Kristiyanismong Bayan (tinatawag ng iilan bilang Folk Catholicism o Folk Christianity). Dahil hindi pasibong tinanggap ng mga katutubo ang ipinakikilalang dogma, inangkop nila sa kanilang kinabihasnang kultura ang pagtanggap sa Kristiyanismo. Makikita…Read more
-
1169Mga gunita sa aking paglalakbay (2014-2018): Naratibo ng overseas filipino workers sa timog silangang asya at europaDalumat E-Journal 7 (2): 1-25. 2021.The article intends to present untold narratives from Filipino overseas migrant workers that the author personally encountered and interviewed. Literature that primarily focuses on their quotidian lives is rarely discussed and written. The author used travel memoir as a primary method to describe his journey reflections while not neglecting academic inquiry relying on existing works of literature (secondary sources) to validate his observations. The author gathered significant pathways from his …Read more
-
1065Hanapin ang hiwaga: Labintatlong alegorikal na interpretasyon sa netflix animated series na treseKawing Journal 6 (1): 53-88. 2022.Itinuturing ang Trese (2021) bilang kauna-unahang Netflix anime series na mula sa Pilipinas, sa buong Timog Silangang Asya, at nasa labas ng Japan. Sa pagrerebyung ito, nilalayong maipamalas ang mataas na inklinasyon ng mga Pilipino sa kanilang mga alamat at mitolohiya. Bagaman hindi pa tapos ang serye, mahalaga pa ring tingnan ang kahalagahan ng Trese bilang holistikong paglalarawan sa imahe ng kultura at lipunang Pilipino. Sa pamamagitan ng labintatlong (13) malikhain at faktuwal na representa…Read more
-
985Paglapat ng Istorya sa Dalumat ng Ugnayang Pilipinas at mga Asyanong BansaTala Kasaysayan: An Online Journal of History 1 (2): 57-75. 2018.Sa bawat aklatan o sabihin pang mga bookstores, hindi talaga nawawala ang sikat na sikat na mga aklat ni Ambeth Ocampo. Isa na rito ang labintatlong tomo ng Looking Back na tumatalakay sa iba’t ibang paksa sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong mga panahong nag-aaral pa ang may-akda sa PUP ng kursong Kasaysayan, walong serye pa lamang ng Looking Back ang nailathala at sabihin pang nabasa niya—Looking Back (2010); Dirty Dancing (2010); Death by Garrote (2010); Chulalongkorn’s Elephants: The Philippine…Read more
-
908Sa kabila ng napakaraming aklat na inilalathala taun-taon, sa iba't ibang disiplina, perspektiba, at pananaw, siya namang hindi lipos ang mga naililimbag, kung hindi man, naisusulat na mga akademikong rebyu ng mga aklat o panunuring-aklat. Mahalaga ang ginagampanang papel ng mga panunuring-aklat sa talastasang pantao at lalo na sa akademiya. Hindi lamang ito isang simpleng paglalahad sa nilalaman ng aklat, bagkus higit nitong kinapapalooban ang mga kritikal na pagpapasya, pagkilatis o pagsusuri,…Read more
-
657Sa repositoryo ng mga kulturang materyal: Personal na tala ng paglalakbay ukol sa mga museo sa ibayong dagat ng asya-pasipiko at europaEntrada Journal 8 (1): 93-143. 2022.Larawan ng isang lipunan ang pagkakaroon ng mga museo bilang lagakan o repositoryo hindi lamang ng mga kulturang materyal ngunit maging ng mga salaysaying-bayang nakakabit sa pambansang kasaysayan at pambansang kamalayan ng mga mamamayan nito. Gayumpaman, bukod sa naghahatid ito ng iba’t ibang anyo ng kaalaman, kung minsan ay nagiging aparato rin ng mga propagandang maaaring mag-angat o magsantabi sa isang partikular na pangkat. Dahil karamihan sa mga museo ay binuo sa panahong post-kolonyal, ma…Read more
-
518Ugnayang Tsino't Pilipino sa Buhay at Kamatayan: Isang Panimulang PagbalangkasTala Kasaysayan: An Online Journal of History 2 (1): 66-83. 2019.Nabigyan ng pagpapahalaga ang komprehensibong pagdalumat sa relasyong Tsino at Pilipino sa buhay at kamatayan sa isang aklat na pinamagatang Himlayan, Pantiyon, Kampo Santo, Sementeryo: Exploring Philippine Cemeteries (2016) na pinamamatnugutan ni Dr. Grace Barretto-Tesoro ng Programa sa Araling Arkeolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay binubuo ng isang daan at apatnapu’t dalawang (242) pahina at limang (5) kabanata-- [1] Angels on Earth: Investigating Infant and Children Burials in Manila…Read more
-
478Pagsasara ng Tabing: Konklusyon sa Makabuluhang Mentoring ni Dr. Zeus A. SalazarBagong Kasaysayan, Inc.. 2019.Katulad ng laging binabanggit ni Prop. Michael Charleston B. Chua ng Pamantasan ng De La Salle, "Hindi man ako naging direktang naging mag-aaral ni Dr. Salazar, mapalad pa rin akong nakilala ko siya at natuto ng kahalagahan ng Pantayong Pananaw." Marahil ito rin ang sumasambulat sa mga nais maging mag-aaral ng paham na si Salazar. Isang metapora ng kometa o isang bakunawa ang pagdating ng isang Dr. Salazar sa Sintang Paaralan partikular na sa Kagawaran ng Kasaysayan dahil pinagyaman niya/tinutul…Read more
-
428Ang Phallokrasiya ni Duterte sa Midya bilang Mang Kanor ng Politikang PilipinoTalastasan: A Philippine Journal of Communication and Media Studies 1 (2): 30-49. 2022.Pinagtibay ng administrasyong Duterte ang pananangkapan sa mga birong itinuring na pampasiglang bilang sa tuwing kinakausap ng pangulo ang taumbayan sa midya. Kaya’t tila isang melodramatiko o mala-teledramang inaabangan ng mga manonood at tagapakinig ang bawat pahayag ni Duterte habang pinamamayani ng huli ang mga 'birong' nagpapatingkad sa impunidad ng karahasan sa kababaihan, misogynista, at sexismo. Sa ilang pagkakataon, literal na ibinida ng populistang pangulo ang kaniyang phallus o titing…Read more
-
397Higit na pinatingkad ng kasalukuyang administrasyon ang pagmamaliit sa kakayahan ng kababaihang Pilipino na ating pinaghihirapang ibangon sa loob ng napakahabang siglo, at sa pagtatangkang ipanumbalik ang egalitaryadong lipunang prekolonyal ng mga Pilipino. Mula sa kung paano maliitin ang kapasidad ng isang babae na mamuno ng isang ahensya o bansa hanggang sa kung paano ginagawang katatawanan ang kultura ng impunidad katulad ng panghihipo, panggagahasa, pananakit, pang-aabuso, at iba pang malapa…Read more
-
392Martes sa Escaler: Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus SalazarBagong Kasaysayan (BAKAS), Inc.. 2019.Paunang Salita Ang kasalukuyang aklat ay produkto ng masigasig na pagsusumikap ng mga mag-aaral ng BA Kasaysayan sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa sa ilalim ng klase na Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar. Tinatangka nitong maitala para sa salinlahi ang mga kaganapan sa kanilang suplemental na klase tuwing Martes sa Bahay Escaler, ang tahanan ng kanilang Guro. Magkagayumpaman, hindi ito talaga maitatangi sa mahabang kasaysayan ng pagtuturo ni Salazar. Ang pagkakatitikan/pag…Read more
-
234Kasaklawan ng diskursong pangturismo sa Pilipinas: Isang pundamental na pagsusuri sa paglalakbayPhilippine Women's University Research Journal 11 (1). 2024.Karaniwang nasasagkaan ng pinamamayaning pamantayan at perspektibang hinango mula sa labas ang konfigurasyon ng pag-aaral sa kasaklawang pangturismo ng mga Pilipino. Mula sa sinasaligang epistemolohiya hanggang sa praksis ng disiplinang ito na malaong maglilimita sa makaPilipinong dalumat kaugnay ng paglalakbay. Gayumpaman, hindi pa rin isinasantabi ang mga dulog mula sa labas dahil lamang sa kaligiran nito. Sa halip, layunin pa ng artikulong ito na angkinin ang Tourism Studies at tangkaing maip…Read more
-
196Hermano Puli at Imam Bondjol at ang Kanilang Mga Kilusang Mapagpalaya sa Timog Silangang Asya: Mga Tala sa Tungkulin ng Bayan sa Pagyabong ng Kasaysayang PanlipunanAlternatibong Tahanan ng mga Akda at Gawang Nasaliksik (ATAGAN) Inc. at Tayabas Studies and Creative Writing Center. 2019.Bago matapos ang dantaon 19, umusbong ang mga kilusang mapagpalaya kontra kolonisador sa iba’t ibang kapuluan ng Pilipinas at Indonesia (mga bansang kabilang/kaugnay ng Dunia Melayu). Isa sa mga iginigiit na dahilan ng bawat bayan (negara ng Indonesia) ay ang malawakang reporma hinggil sa relihiyon/paniniwala – pagpapanatili, pagbabago, o di kaya’y pakikisangkot. Sapul pa noong panahong dati, patuloy nang pinahahalagahan ng bawat katutubong Malayo/Austronesyano ang kanilang paniniwala na malalim…Read more
-
184Diaspolove: Isang pagsusuring tipolohikal sa mga pelikula ni olivia m. lamasan ukol sa hanapbuhay at pag-ibigBidlisiw Journal 4 (1): 1-18. 2024.Nilalayon ng pag-aaral na ito ang isang pagsusuri at/o pagsasalansang tipolohikal ukol sa ilang pelikulang direktang tumuon sa danas at naratibo ng mga manggagawa, mangingibig, at/o manggagawang mangingibig—partikular na ang mga pelikulang idinirehe ni Olivia M. Lamasan. Sa paglago ng anomang larang katulad ng media studies, mahalaga rin ang pagsipat ng tipolohiya at/o pagsasaklasipika batay sa uri ng mga ipinamamayaning paksa. Ito ay upang matukoy ang pinagmumulan at/o pinaghuhugutang idea at i…Read more
-
154Pangingibang-Bayan Bilang Pag-aaral sa Ibang Kalinangan: Ang Lakbay-Aral na Akademiko sa Timog Silangang AsyaADHIKA ng Pilipinas, Inc. & National Commission for Culture and the Arts. 2021.Kasabay ng pag-unlad ng Pantayong Pananaw ang paglinang din sa Araling Kabanwahan bilang isang lente ng pagsusulong na rin ng Araling Pang-Erya. Ipinamamalas ng Araling Kabanwahan ang pag-aaral sa kasaysayan ng ibang bayan/ibayong bayan/karatig na mga bayan. Tunay nga namang hindi lamang patungkol sa sariling kabihasnan ang pag-aaral ng kasaysayan. Kailangan din nating dalumatin ang samu’t saring relasyon o ugnayan (tahasan o indirekta) ng Pilipinas sa mga karatig-bayan nito. Kung kaya’t dito uu…Read more
-
116Integral ang ipinahihiwatig ng mga pelikula sa Pilipinas na direktang nagtampok sa mga kuwentong pag-ibig at paghahanapbuhay ng mga migranteng Pilipino sa ibayong dagat. Patok sa lipunang Pilipino ang mga pelikulang nakakakilig, nakapagbibigay ng ligaya, at inspirasyon. Ngunit hindi din dapat kaligtaan ang isa pang temang maaaring umusbong mula dito—ang kalagayan at danas ng mga karakter, hindi lamang bilang mangingibig, kundi bilang manggagawa din. Kung gayon, pagkalas ito panandalian sa kinasa…Read more
-
101Ang popularidad ng phallic jokes: Isang kritikal na pagsusuri sa mga phallokratikong pahayag ni Rodrigo Duterte sa midyaPlaridel: A Philippine Journal of Communication, Media, and Society 21. 2024.In Philippine society, jokes are an integral element, whether polemical or verbal. But at no instance should any sexist, patriarchal, machismo, or misogynistic remark that reinforces a culture of impunity such as touching, rape, pain, and abuse be considered a “good joke.” Duterte jokes, especially his phallic jokes, became popular in media and was viewed as a “ridiculous” statement that, in fact, ran over some Filipino customs and culture. The purpose of this study is to take a critical analysi…Read more
-
77Layunin ng komemoratibong pag-aaral na ito, gamit ang isang naratibong pagsusuri, ang pagturol sa danas at alaala ng mga Marikeño sa panahon ng pananalasa at/o pagbahang idinulot ng Ondoy (Ketsana) noong 2009 at sa mga panahong pagkatapos nito. Habang sentro ng pag-aaral na ito ang apat na barangay ng lungsod o ang mga tinatawag na “tabing-ilog”—Nangka, Tumana, Malanday, at Concepcion Uno—gumamit ang pananaliksik ng dalawang pangunahing método, pakikipagpanayam at pakikipagkuwentuhan. Sa kinasap…Read more
-
53Pagsasaespasyo at pagpopook sa mga pagkaing pilipino sa new south wales, australiaSocial Sciences and Development Review 13 (1): 119-158. 2021.Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na ugatin ang ugnayan ng Pilipinas at Australia –na labas o lalagpas sa padrong kinasanayang tumuon at kumiling sa usapin ng diplomasya, politikal, at iba pang usaping pang-estado-sa-estado at nasyon-sa-nasyon –na kung saan napag-iwanan at hindi gaanong nabibigyang tinig at tuon ang halagahin ng taumbayan sa kabuoan. Ang ganitong pamamayani ng Kanluraning pananaw ng Area Studies at Regionalism Studies ay sumasagka sa pagpapalitaw ng kaakuhang makaPilipino-…Read more
-
39Ang Dalawang Bayani ng Bansa (2007) ni Rene O. Villanueva sa Konteksto ng Dikotomiyang Rizal at Bonifacio sa Historiograpiyang PilipinoIn Eugene Evasco & Cheeno Marlo Sayuno (eds.), Bata, Hiwaga, Bansa: Pamana ni Rene O. Villanueva sa Panitikang Pambata, The University of the Philippines Press. 2023.Tugano, A.C. (2023). “Ang Dalawang Bayani ng Bansa (2007) ni Rene O. Villanueva sa Konteksto ng Dikotomiyang Rizal at Bonifacio sa Historiograpiyang Pilipino.” In E. Evasco & C.M. Sayuno (eds.), Bata, Hiwaga, Bansa: Pamana ni Rene O. Villanueva sa Panitikang Pambata (pp. 45–97). Diliman, Quezon City: The University of the Philippines Press.
-
23Ang representasyon kay Raden Adjeng Kartini (1879-1904) sa dalawang pangkasaysayang pelikulang indonesIn Mary Dorothy Jose, Atoy Navarro & Jerome Ong (eds.), Kulturang Popular na Asyano, Department of Social Sciences, University of the Philippines Manila. pp. 151-216. 2023.This article will point out some Indonesian historical films as an indication of the rich popular culture of Southeast Asia. In Indonesia, their representation in films has long been suppressed due to the dominance of Western films (1900-1920); Japanese films (1942- 1945); and the censorship by past dictatorships (1945- 1998). During the so-called Post-Soeharto Era (2000- Present), Indonesian films flourished, particularly those that focused on the Life History of their revered heroes. These inc…Read more
-
21Saysay ng paminggalang-bayan sa kabataan at kababaihan: Isang pagsusuring historikalMakiling Review: An International Journal of Humanities 2 (1). 2023.Tugano, A.C. (2023). “Saysay ng Paminggalang-Bayan sa Kabataan at Kababaihan: Isang Pagsusuring Historikal,” Makiling Review: An International Journal of Humanities, vol. 2, no. 1, pp. 116–150. Department of Humanities, University of the Philippines Los Baños, Laguna.
Axle Christien Tugano
University of The Philippines Los Baños
-
University of The Philippines Los BañosDivision of History, Department of Social SciencesFaculty Member
Areas of Specialization
Other Academic Areas |
Areas of Interest
Other Academic Areas |