Axle Christien Tugano

University of The Philippines Los Baños
  • University of The Philippines Los Baños
    Division of History, Department of Social Sciences
    Faculty Member
Areas of Specialization
Other Academic Areas
Areas of Interest
Other Academic Areas
  •  116
    Integral ang ipinahihiwatig ng mga pelikula sa Pilipinas na direktang nagtampok sa mga kuwentong pag-ibig at paghahanapbuhay ng mga migranteng Pilipino sa ibayong dagat. Patok sa lipunang Pilipino ang mga pelikulang nakakakilig, nakapagbibigay ng ligaya, at inspirasyon. Ngunit hindi din dapat kaligtaan ang isa pang temang maaaring umusbong mula dito—ang kalagayan at danas ng mga karakter, hindi lamang bilang mangingibig, kundi bilang manggagawa din. Kung gayon, pagkalas ito panandalian sa kinasa…Read more
  •  234
    Kasaklawan ng diskursong pangturismo sa Pilipinas: Isang pundamental na pagsusuri sa paglalakbay
    Philippine Women's University Research Journal 11 (1). 2024.
    Karaniwang nasasagkaan ng pinamamayaning pamantayan at perspektibang hinango mula sa labas ang konfigurasyon ng pag-aaral sa kasaklawang pangturismo ng mga Pilipino. Mula sa sinasaligang epistemolohiya hanggang sa praksis ng disiplinang ito na malaong maglilimita sa makaPilipinong dalumat kaugnay ng paglalakbay. Gayumpaman, hindi pa rin isinasantabi ang mga dulog mula sa labas dahil lamang sa kaligiran nito. Sa halip, layunin pa ng artikulong ito na angkinin ang Tourism Studies at tangkaing maip…Read more
  •  184
    Nilalayon ng pag-aaral na ito ang isang pagsusuri at/o pagsasalansang tipolohikal ukol sa ilang pelikulang direktang tumuon sa danas at naratibo ng mga manggagawa, mangingibig, at/o manggagawang mangingibig—partikular na ang mga pelikulang idinirehe ni Olivia M. Lamasan. Sa paglago ng anomang larang katulad ng media studies, mahalaga rin ang pagsipat ng tipolohiya at/o pagsasaklasipika batay sa uri ng mga ipinamamayaning paksa. Ito ay upang matukoy ang pinagmumulan at/o pinaghuhugutang idea at i…Read more
  •  77
    Layunin ng komemoratibong pag-aaral na ito, gamit ang isang naratibong pagsusuri, ang pagturol sa danas at alaala ng mga Marikeño sa panahon ng pananalasa at/o pagbahang idinulot ng Ondoy (Ketsana) noong 2009 at sa mga panahong pagkatapos nito. Habang sentro ng pag-aaral na ito ang apat na barangay ng lungsod o ang mga tinatawag na “tabing-ilog”—Nangka, Tumana, Malanday, at Concepcion Uno—gumamit ang pananaliksik ng dalawang pangunahing método, pakikipagpanayam at pakikipagkuwentuhan. Sa kinasap…Read more
  •  39
    Tugano, A.C. (2023). “Ang Dalawang Bayani ng Bansa (2007) ni Rene O. Villanueva sa Konteksto ng Dikotomiyang Rizal at Bonifacio sa Historiograpiyang Pilipino.” In E. Evasco & C.M. Sayuno (eds.), Bata, Hiwaga, Bansa: Pamana ni Rene O. Villanueva sa Panitikang Pambata (pp. 45–97). Diliman, Quezon City: The University of the Philippines Press.
  •  21
    Saysay ng paminggalang-bayan sa kabataan at kababaihan: Isang pagsusuring historikal
    Makiling Review: An International Journal of Humanities 2 (1). 2023.
    Tugano, A.C. (2023). “Saysay ng Paminggalang-Bayan sa Kabataan at Kababaihan: Isang Pagsusuring Historikal,” Makiling Review: An International Journal of Humanities, vol. 2, no. 1, pp. 116–150. Department of Humanities, University of the Philippines Los Baños, Laguna.
  •  908
    Sa kabila ng napakaraming aklat na inilalathala taun-taon, sa iba't ibang disiplina, perspektiba, at pananaw, siya namang hindi lipos ang mga naililimbag, kung hindi man, naisusulat na mga akademikong rebyu ng mga aklat o panunuring-aklat. Mahalaga ang ginagampanang papel ng mga panunuring-aklat sa talastasang pantao at lalo na sa akademiya. Hindi lamang ito isang simpleng paglalahad sa nilalaman ng aklat, bagkus higit nitong kinapapalooban ang mga kritikal na pagpapasya, pagkilatis o pagsusuri,…Read more
  •  478
    Katulad ng laging binabanggit ni Prop. Michael Charleston B. Chua ng Pamantasan ng De La Salle, "Hindi man ako naging direktang naging mag-aaral ni Dr. Salazar, mapalad pa rin akong nakilala ko siya at natuto ng kahalagahan ng Pantayong Pananaw." Marahil ito rin ang sumasambulat sa mga nais maging mag-aaral ng paham na si Salazar. Isang metapora ng kometa o isang bakunawa ang pagdating ng isang Dr. Salazar sa Sintang Paaralan partikular na sa Kagawaran ng Kasaysayan dahil pinagyaman niya/tinutul…Read more
  • Tugano, Axle Christien J. 2022. Bata, bata, may magagawa ka pa ba? Kalagayan at hinaharap ng panitikang pambata sa talastasang pilipino. In Pagdiriwang sa haraya: Ang panulaan at mga aklat ng impormasyon para sa mga bata, authored by Eugene Y. Evasco, pp. vii–xiii. Manila: Aklat ng Bayan, Komisyon sa Wikang Filipino.
  •  657
    Larawan ng isang lipunan ang pagkakaroon ng mga museo bilang lagakan o repositoryo hindi lamang ng mga kulturang materyal ngunit maging ng mga salaysaying-bayang nakakabit sa pambansang kasaysayan at pambansang kamalayan ng mga mamamayan nito. Gayumpaman, bukod sa naghahatid ito ng iba’t ibang anyo ng kaalaman, kung minsan ay nagiging aparato rin ng mga propagandang maaaring mag-angat o magsantabi sa isang partikular na pangkat. Dahil karamihan sa mga museo ay binuo sa panahong post-kolonyal, ma…Read more
  •  16
    Bantayog ng mga bayani: natatanging monumentong pilipino
    In Marvin Lai, Rowell Madula, Rommel Rodriguez, Joel Malabanan, David Michael San Juan & Jonathan Geronimo (eds.), Panata sa Kalayaan, Vol. 1, Kagawaran Ng Filipinolohiya, Polytechnic University of the Philippines. pp. 102-122. 2023.
    Isa ang Batas Militar sa mga yugto ng kasaysayang Pilipino ang hindi dapat mawaglit sa gunita at/o alaala ng bawat mamamayan, hanggang sa mga susunod na salinlahi. Kasabay ng aprubasyon na magkaroon ng kursong Philippine Studies 21 (PS 21): Wika, panitikan, at kultura sa ilalim ng Batas Militar sa inisyatiba ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP) ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, U.P. Diliman (Corrales, 2019), napapanahon din ang pag-aaral sa kasaysayan ng Batas Militar. I…Read more
  •  53
    Pagsasaespasyo at pagpopook sa mga pagkaing pilipino sa new south wales, australia
    Social Sciences and Development Review 13 (1): 119-158. 2021.
    Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na ugatin ang ugnayan ng Pilipinas at Australia –na labas o lalagpas sa padrong kinasanayang tumuon at kumiling sa usapin ng diplomasya, politikal, at iba pang usaping pang-estado-sa-estado at nasyon-sa-nasyon –na kung saan napag-iwanan at hindi gaanong nabibigyang tinig at tuon ang halagahin ng taumbayan sa kabuoan. Ang ganitong pamamayani ng Kanluraning pananaw ng Area Studies at Regionalism Studies ay sumasagka sa pagpapalitaw ng kaakuhang makaPilipino-…Read more
  •  14
    Mga bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia at pagtatakda ng mga espasyong pilipino
    Journal of Philippine Local History and Heritage 9 (1): 90-181. 2023.
    Hindi na bago ang pag-aaral tungkol sa mga bantayog, monumento, o busto ni Jose Rizal. Ngunit, kasabay ng pagsibol ng mga paksang nakikitianod sa kanya ay ang walang hanggang pagpapatayo rin ng mga monumento, liwasan, at lansangang nagtatampok sa kanyang karangalan. Tunay na larawan ng pangkalahatang identidad ang bawat monumento dahil sinasagisag nito ang historikal na kahalagahang mayroon ang isang bansang nirerepresenta nito. Ipinapasundayag sa bawat munisipalidad, lungsod, at lalawigan sa Pi…Read more
  •  23
    Ang representasyon kay Raden Adjeng Kartini (1879-1904) sa dalawang pangkasaysayang pelikulang indones
    In Mary Dorothy Jose, Atoy Navarro & Jerome Ong (eds.), Kulturang Popular na Asyano, Department of Social Sciences, University of the Philippines Manila. pp. 151-216. 2023.
    This article will point out some Indonesian historical films as an indication of the rich popular culture of Southeast Asia. In Indonesia, their representation in films has long been suppressed due to the dominance of Western films (1900-1920); Japanese films (1942- 1945); and the censorship by past dictatorships (1945- 1998). During the so-called Post-Soeharto Era (2000- Present), Indonesian films flourished, particularly those that focused on the Life History of their revered heroes. These inc…Read more
  • 50-50: TALAMBUHAY NG MGA PANGUNAHING PERSONALIDAD NG BATAS MILITAR
    with Roderick Javar, Ruben Jeffrey Asuncion, and Mark Joseph Santos
    Limbagang Pangkasaysayan. 2022.
    Introduksiyon 50-50. Fifty-fifty. Sa bigkas ng mga Pinoy, “pipti-pipti.” Sa kontekstong Pilipino, pantukoy ito sa kalagayan ng taong nasa kritikal na kalagayan. Limampung porsyento ng tsansang makaligtas, limampung porsyento ng tsansang masawi. Kilala ito sa iba pang katawagan sa Pilipinas bilang “naghihingalo,” “nasa bingit ng kamatayan” o “nag-aagawbuhay.” Ganito mailalarawan ang kalagayan ng lipunang Pilipino sa ilalim ng Batas Militar ni Ferdinand Marcos, Sr. Para sa mga pabor sa Batas Milit…Read more
  •  428
    Ang Phallokrasiya ni Duterte sa Midya bilang Mang Kanor ng Politikang Pilipino
    Talastasan: A Philippine Journal of Communication and Media Studies 1 (2): 30-49. 2022.
    Pinagtibay ng administrasyong Duterte ang pananangkapan sa mga birong itinuring na pampasiglang bilang sa tuwing kinakausap ng pangulo ang taumbayan sa midya. Kaya’t tila isang melodramatiko o mala-teledramang inaabangan ng mga manonood at tagapakinig ang bawat pahayag ni Duterte habang pinamamayani ng huli ang mga 'birong' nagpapatingkad sa impunidad ng karahasan sa kababaihan, misogynista, at sexismo. Sa ilang pagkakataon, literal na ibinida ng populistang pangulo ang kaniyang phallus o titing…Read more
  • Paglilinang sa Araling Pangmanlalakbay sa Diwa ng Araling Kabanwahan: Isang Panimulang Pagdalumat
    Center for Philippine Studies, Polytechnic University of the Philippines. 2022.
    Tugano, Axle Christien. 2022. Paglilinang sa Araling Pangmanlalakbay sa Diwa ng Araling Kabanwahan: Isang Panimulang Pagdalumat. In Hugpungan: Katutubong Kaalaman at Interdisiplinaridad sa Panahon ng Krisis, edited by Jomar Adaya, Joseph Reylan Viray, Alondra Gayle Sulit, and John Christian Agudera, pp. 174-257. Manila: Center for Philippine Studies, Polytechnic University of the Philippines.
  • TUNGKOL SA PABALAT. Kuhang larawan sa El Nido, Palawan noong Hunyo 2022. Sinasagisag ng isla ang “banwa” o “bayan” samantalang sasakyang panlayag naman ang bangka. Ang bangka ay nagkakaroon ng tuwid na direksiyon dahil sa katig na responsable sa pagkabalanse ng sasakyang pandagat upang hindi lumubog at lamunin ng mga naglalakihang alon dulot ng samo’t saring balakid gaya ng malalakas na hangin o bagyo. Gayundin ang angklang itinatanim sa kailalimang lupa ng karagatan upang hindi tangayin ang ban…Read more
  •  1556
    Introduksiyon Sentro ng kabuoang aklat na ito ang paglalakbay –partikular na ang paglalakbay ng mga Pilipino gamit ang pananaw at wikang F/Pilipino. Sa ilang pagkakataon, isa ang paglalakbay sa hindi gaanong nabibigyan ng pansin sa pag-aaral ng lipunan, sa kabila ng pinagyayaman na itong matagal sa Kanluran at marahil isa ng ganap na diskurso. Mababakas ito sa kanilang pagpapakahulugan sa mga taong naglalakbay. Halimbawa nito ang mga Pranses na voyageur at Anglo-Amerikanong katumbas sa paglalakb…Read more
  •  1364
    Hidden Sacrifices: Narratives of Select Filipina Overseas Workers in Southeast Asia
    Social Sciences and Development Review 12 (1): 95-116. 2020.
    In my essay “Chasing Waves: Reflection on Southeast Asian Fisherfolk (2021a),” I already featured the less documented experience of the socially marginalized. My essay focused on the personal narratives of Bruneian fishermen of Kampor Ayer, Brunei Darussalam (2016); the fishermen of Mui Ne, Vietnam (2017); and the Intha of Myanmar (2018), with whom I had the fortunate chance to converse with. However, my personal travel experience in the three countries only gave voice to “non-Filipino workers.”…Read more
  •  101
    Ang popularidad ng phallic jokes: Isang kritikal na pagsusuri sa mga phallokratikong pahayag ni Rodrigo Duterte sa midya
    Plaridel: A Philippine Journal of Communication, Media, and Society 21. 2024.
    In Philippine society, jokes are an integral element, whether polemical or verbal. But at no instance should any sexist, patriarchal, machismo, or misogynistic remark that reinforces a culture of impunity such as touching, rape, pain, and abuse be considered a “good joke.” Duterte jokes, especially his phallic jokes, became popular in media and was viewed as a “ridiculous” statement that, in fact, ran over some Filipino customs and culture. The purpose of this study is to take a critical analysi…Read more
  •  1065
    Hanapin ang hiwaga: Labintatlong alegorikal na interpretasyon sa netflix animated series na trese
    with Joanna Frances Isabelle Sajor-Tugano
    Kawing Journal 6 (1): 53-88. 2022.
    Itinuturing ang Trese (2021) bilang kauna-unahang Netflix anime series na mula sa Pilipinas, sa buong Timog Silangang Asya, at nasa labas ng Japan. Sa pagrerebyung ito, nilalayong maipamalas ang mataas na inklinasyon ng mga Pilipino sa kanilang mga alamat at mitolohiya. Bagaman hindi pa tapos ang serye, mahalaga pa ring tingnan ang kahalagahan ng Trese bilang holistikong paglalarawan sa imahe ng kultura at lipunang Pilipino. Sa pamamagitan ng labintatlong (13) malikhain at faktuwal na representa…Read more
  •  8313
    The masterful works Noli Me Tangere (1887) and El Filibusterismo (1891) can be considered as post-colonial writings because they are constantly studied and used as tools for raising awareness and remembering the violence and personal experiences of the Filipino society. This is an indirect description of the colonial period in the perspective of modern times. However, the teaching and appreciation of these writings become complicated because they are often neglected or otherwise considered as a …Read more
  •  397
    Higit na pinatingkad ng kasalukuyang administrasyon ang pagmamaliit sa kakayahan ng kababaihang Pilipino na ating pinaghihirapang ibangon sa loob ng napakahabang siglo, at sa pagtatangkang ipanumbalik ang egalitaryadong lipunang prekolonyal ng mga Pilipino. Mula sa kung paano maliitin ang kapasidad ng isang babae na mamuno ng isang ahensya o bansa hanggang sa kung paano ginagawang katatawanan ang kultura ng impunidad katulad ng panghihipo, panggagahasa, pananakit, pang-aabuso, at iba pang malapa…Read more
  •  1169
    The article intends to present untold narratives from Filipino overseas migrant workers that the author personally encountered and interviewed. Literature that primarily focuses on their quotidian lives is rarely discussed and written. The author used travel memoir as a primary method to describe his journey reflections while not neglecting academic inquiry relying on existing works of literature (secondary sources) to validate his observations. The author gathered significant pathways from his …Read more
  • Pinipilahan, dinadagsa, at pinapangarap ng bawat manggagawang Pilipino ang ginhawang hatid ng Europa. Ang mataas na halaga ng Euro sa pandaigdigang palitan, kakaibang benepisyo, at ganda marahil ng lugar – ang ilan salik kung bakit hinihila tayong magtrabaho sa nasabing kontinente. Hindi malaon, naging bukambibig na ang ginhawang hatid ng Europa. Pagbubuo na kaya ito sa ating kamalayan ng penomenong European Dream? Kitang-kita naman sa kung papaano tinangkilik ng mga Pilipino ang Europa sa mga p…Read more
  • This study is written as a commemoration to a decade of reminiscence of the 2009 tragedy brought by Typhoon Ondoy in Marikina City, Philippines. This study focuses on the testimonies and personal experiences of distinct residents of the local communities or barangays of Tumana, Malanday, and Nangka. This study wants to bring out the trauma, grievance, and resiliency of Marikina residents during times of disaster and calamities. The interviewed people will provide narratives of …Read more
  • This article aims to feature and present a collection of narratives on religion drawn from the author’s travels in Southeast Asia, with a selective centering on experiences gathered from Thailand, Myanmar, and Indonesia. Since time immemorial in Asia, religion has played a substantial role in shaping each society’s identity, history, and culture. Religion can either instigate long-lasting camaraderie or even divisiveness. This paper focuses on how religion has reflected and enriched the diversit…Read more
  •  392
    Martes sa Escaler: Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus Salazar
    with Mark Joseph Santos and Axle Christien Tugano
    Bagong Kasaysayan (BAKAS), Inc.. 2019.
    Paunang Salita Ang kasalukuyang aklat ay produkto ng masigasig na pagsusumikap ng mga mag-aaral ng BA Kasaysayan sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa sa ilalim ng klase na Historiograpiya ni Dr. Zeus A. Salazar. Tinatangka nitong maitala para sa salinlahi ang mga kaganapan sa kanilang suplemental na klase tuwing Martes sa Bahay Escaler, ang tahanan ng kanilang Guro. Magkagayumpaman, hindi ito talaga maitatangi sa mahabang kasaysayan ng pagtuturo ni Salazar. Ang pagkakatitikan/pag…Read more
  •  1477
    Patúloy nating kolektibong ginugunita ang kadakilaan ng mga bayaning Pilipino sa iba’t ibang sektor, panahon at perspektiba ngunit mababatid nating hindi pa rin sapat ang pagpapahalaga sa kanila dahil (1) limitado ang kaalaman hinggil sa kanila, (2) nagiging mailap ang mga datos patungkol sa kanila at (3) higit na binibigyang-pansin ang mga bayaning matagal nang iniangat sa pedestal. Laganap ang pananalambúhay sa mga ganitong bayaning nasa pedestal buhat pa noong panahong kolonyal hanggang sa ka…Read more