Axle Christien Tugano

University of The Philippines Los Baños
  • University of The Philippines Los Baños
    Division of History, Department of Social Sciences
    Faculty Member
Areas of Specialization
Other Academic Areas
Areas of Interest
Other Academic Areas
  • Kalagitnaan ng taong 2023, nagkaroon ako ng oportunidad na basahin ang aking pananaliksik (Tugano, 2023a, p. 40) sa isang pandaigdigang komperensiya sa Paris, France. Ang karanasang ito ay lalo pang naging kapana-panabik sapagkat nataon ito sa panahon ng tag-init, na lubhang kaiba sa una kong paglalakbay sa Europa noong huling bahagi ng 2018; isang napakalamig na klima ang aking naranasan sa Iberia. Ilang linggo bago ang nakatakdang paglipad, nakuha ko ang aking flight details na nagsasabing mag…Read more
  •  15
    Ang MTRCB sa Regulasyon at Pagbuo ng Diskurso Hinggil sa Representasyon ng Titi sa Midya
    with Vasil Victoria
    Lakandayang Journal of Cultural Studies 3 (3): 952-995. 2026.
    Mahalaga ang tungkulin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) bilang ahensiya ng Republika ng Pilipinas na nagsusuri at nagtatakda ng mga pamantayan para sa mga nilalaman ng ipinalalabas sa midyang Pilipino. Gayumpaman, naging kritikal ang sanaysay na ito sa pagbabalik-tanaw sa tindig at paraan ng regulasyon ng nasabing ahensiya hinggil sa somatiko at/o kahubarang Pilipino, partikular sa mga representasyong naglalarawan at tumatalakay sa titi sa midya. Bagama’t samot-sar…Read more
  •  19
    Sa dekada-dekadang teoretisasyon at empirikal na pagsusuri at kontribusyon ng talastasang Pilipino hinggil sa kasarian at seksuwalidad—kung saan binibigyang-diin ang pagtutol sa diskriminasyon, marhinalisasyon, at mga banta ng heteroseksista at/o heteropatriyarkal na pananaw—ilang pag-aaral pa rin ang hindi gaanong tumutok sa somatikong pananaw ukol sa genitalia, gaya ng puki at titi. Isa ito sa mga salik na nagbunsod ng sistematikong segregasyon at pagkakahati batay sa kasarian, seksuwalidad, a…Read more
  •  17
    The central objective of this research is to examine the material culture of the Cordillera region which relate to phallic symbolisms. This paper seeks to contribute to somatic analysis, as studies on the Filipino body, particularly on nude bodies related to the genitalia, have seldom received adequate scholarly attention. Grounded on empirical and theoretical investigations into the representation of the body and/or corporeality in the Cordillera, this study offers potential explanations on how…Read more
  •  36
    Dumaan ang arkipelago ng Pilipinas sa geolohikal na paggalaw, proseso, at/o pagbabago ng lupain ilang milyong taon na ang nakalilipas. Nabuo ang mga geolohikal na pormasyong ito bago pa nagkaroon ng tao/katutubo sa mga islang bumubuo sa tinatawag natin ngayong “Pilipinas.” Sa paglipas ng panahon, ang mga katutubong Pilipino ay nakapagbigay ng kahulugan sa mga nakikitang kapaligiran at kalikasan. Hindi nakaligtas sa imahinasyong ito ang esensiya ng katawan (human body) na kung minsan, nagtampok p…Read more
  •  39
    Diyakronikong Survey sa Kasaysayang Lingguwistiko ng Butò/Titi (h.k. 3,000BK—Kasalukuyan)
    with Vasil A. Victoria
    Lakandayang Journal of Cultural Studies 3 (1): 687-743. 2026.
    Integral na bentaha ng diyakronikong lingguwistika na tukuyin ang ebo lusyon ng wika kabilang ang pagbabago ng kahulugan (semantika), balarila (mga tuntuning pangwika), pagbuo ng mga salita (morpolohiya), ponetika at ponolohikong pagbabago sa tunog, at pag-angkop sa mga hiram na salita. Kinasangkapan ng pag-aaral na ito ang pag-apuhap sa diyakronikong lingguwistika kaugnay ng genitalia—ang butò (titi, penis, o anomang katumbas nito). Isa itong maliit na bahagi ng katawang hubad ng tao nguni…Read more
  •  51
    Isang Semantikong Pag-aaral sa Ligaya at Libog sa Kalinangang Pilipino
    with Vasil A. Victoria
    Lakandayang Journal of Cultural Studies 3 (1). 2026.
    Ayon sa pahayag ng paham na si Zeus Salazar, pinahahalagahan sa siko lingguwistika ang pagtuon sa kasaklawang semantiko at pagdalumat sa mga “diwang hindi lantad” na matutuklasan lamang sa pamamagitan ng samot saring uri ng pananaliksik, pamamaraan, at pananaw. Layunin ng kasalukuyang pag-aaral na ambagan at tuklasin ang mga konsepto at kontekstong nakapaloob sa ligaya at libog, hindi bilang magkasalungat kundi bilang nagtatalabang ideya sa kambal na pagpapahalaga sa somatiko/korporeal at k…Read more
  •  95
    Ilang kaso ng mga phallikong presensiya sa pasibo at aktibong kamatayan sa mga salaysaying bayan
    Banwaan: The Philippine Journal of Folklore 4 (1): 205-245. 2025.
    Tunguhin ng pananaliksik na ito ang bahagyang pagkalas sa pagtingin sa genitalia bilang sagisag ng buhay, paglikha, at/o pagbubuo ng bagong buhay. Ngunit, naiuugnay din ang butò (titi, phallus, o penis) sa usapin ng kamatayan. May adbentaheng hatid ang pagbabalik-tanaw sa mga salaysaying bayan mayroon ang mga Pilipino upang maunawaan ang diwa at kabuluhan ng kamatayan sa buhay ng mga tao. Bilang pormularyo ng pagsusuri, lumikha ang may-akda ng panimulang tipolohiya ng kamatayan sa mga salaysayin…Read more
  •  169
    Ilang Insidente ng Pang-aapi ng mga Tsino sa mga Mangingisdang Pilipino
    Lakandayang Journal of Cultural Studies 2 (2). 2025.
    Isang makabuluhang yugto sa kasaysayang diplomatiko ng Pilipinas ang naging tagumpay ng bansa noong Hulyo 12, 2016 sa kaso laban sa Beijing sa pamamagitan ng Arbitral Tribunal ng Permanent Court of Arbitration na ginanap sa The Hague, Netherlands. Ang kasong ito ay may kinalaman sa pag-aangkin ng Tsina sa Scarborough Shoal at iba pang bahagi ng Kanlurang Dagat ng Pilipinas. Kinilala ang administrasyong Duterte sa pagkiling nito sa kapangyarihan at impluwensiya ng Tsina, na naipakita sa mg…Read more
  •  933
    Pumoposisyon ang pananaliksik sa pag-aambag ng kaalaman ukol sa somatikong lipunan o pag-aaral sa kultural na kahulugan ng katawan at pangangatawan sa unang banda, habang pinahahalagahan ang saysay ng mga salaysaying bayan sa kabilang dako. Matagal nang sinikil dulot ng “konserbatismo”, o ‘di kaya paglilimita sa usaping may kinalaman sa genitalia, ang butò (titi) at puki gayong sa mga nagdaang dekada ay patuloy na pinagyayaman ang teoretisasyon sa “pagkatao” at “kaisipang” Pilipino. Paano mauuna…Read more
  • Ang Maynila at Sinaunang Pakikipagkalakalan
    In Mary Dorothy Jose, Atoy Navarro & Jerome Ong (eds.), Kasaysayan, Kamaynilaan, Kababaihan: Mga Pananaliksik bilang Pagpupugay kay Dr. Ma. Luisa T. Camagay, Up Manila Center For Gender and Women Studies & Up Manila Area Studies Program. pp. 12-60. 2025.
    Tuturulin sa artikulong ito ang saysay ng sinaunang pamayanan ng Maynila (circa 1521) sa lente ng sinaunang pakikipagkalakalan. Nagmistulang entrepot ng mga kalakal ang Maynila sa loob at labas nito sa iba’t ibang panahon. Sa ganitong pagpapanahon, maipasusundayag dito ang halagahin ng Kalakalang Kabanwahan upang maunawaan ang ugnayan ng Maynila sa iba’t ibang pamayanan. Mababakas ang ganitong ugnayang ekonomiko ng Maynila sa historikal at arkeolohikal na pagpapaliwanag. Gamit ang kambal na pagt…Read more
  •  532
    Paglilinang ng araling aprikano sa pilipinas: Mula area studies tungong araling kabanwahan
    Lukad: An Online Journal of Pedagogy 4 (1): 65-119. 2025.
    Isa ang kontinenteng Aprika sa ipinakilala at tinalakay noong 1991-1992 ng Lupon ng Araling Pang-erya ng Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (DAPP) sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman. Isa ito sa ibinunga ng Araling Pang-erya na kalaonan ay tatawagin bilang Araling Kabanwahan o isang disiplinal na pag-aaral sa ugnayan at/o pag-uugnay sa Pilipinas at sa mga kaugnay na bayan at/o kabihasnan. Gayumpaman, sa kabila ng pagpupunlang ito, nananatiling salat ang kaalaman ng mga Pilipino t…Read more
  •  872
    Sigarilyo at Paninigarilyo sa Kulturang Pilipino
    Lakandayang Journal of Cultural Studies 2 (1): 253-332. 2025.
    Layunin ng artikulong ito na maisakasaysayan ang isa sa pinakamatandang bisyo o tinurang adiksiyon sa ilang lipunang Pilipino—ang paninigarilyo at iba pang plural na anyo nito. Mula sa tipikal na perspektibang ekonomiko (produksiyon at konsumpsiyon) na kinakawingan ng mga naunang pag-aaral patungkol sa bisyong ito, bahagyang kumakalas dito ang pag-aaral na ito. Mas higit na pagtutuonan ng interes ang sosyo-kultural na lapit patungkol sa bisyo at/o adiksiyong ito. Sisimulan sa sistematikong pagsa…Read more
  • 11. Lino Brocka
    In Roderick Javar, Ruben Jeffrey Asuncion, Axle Christien Tugano & Mark Joseph Santos (eds.), 50-50: TALAMBUHAY NG MGA PANGUNAHING PERSONALIDAD NG BATAS MILITAR, Limbagang Pangkasaysayan. pp. 54-58. 2022.
    Tugano, A.C. (2022). Lino Brocka. In R. Javar, R.J. Asuncion, A.C. Tugano, & M.J.P. Santos (Auth.), 50-50: Talambuhay ng mga Pangunahing Personalidad ng Batas Militar (pp. 54-58). Limbagang Pangkasaysayan. [Biographies; Philippine Martial Law; Philippines (1945-present)]
  • 23. Juan Ponce Enrile, Sr.
    In Roderick Javar, Ruben Jeffrey Asuncion, Axle Christien Tugano & Mark Joseph Santos (eds.), 50-50: TALAMBUHAY NG MGA PANGUNAHING PERSONALIDAD NG BATAS MILITAR, Limbagang Pangkasaysayan. pp. 114-118. 2022.
    Tugano, A.C. (2022). Juan Ponce Enrile, Sr. In R. Javar, R.J. Asuncion, A.C. Tugano, & M.J.P. Santos (Auth.), 50-50: Talambuhay ng mga Pangunahing Personalidad ng Batas Militar (pp. 114-118). Limbagang Pangkasaysayan. [Biographies; Philippine Martial Law; Philippines (1945-present)]
  • 25. Romeo Espino
    In Roderick Javar, Ruben Jeffrey Asuncion, Axle Christien Tugano & Mark Joseph Santos (eds.), 50-50: TALAMBUHAY NG MGA PANGUNAHING PERSONALIDAD NG BATAS MILITAR, Limbagang Pangkasaysayan. pp. 124-128. 2022.
    Tugano, A.C. (2022). Romeo Espino. In R. Javar, R.J. Asuncion, A.C. Tugano, & M.J.P. Santos (Auth.), 50-50: Talambuhay ng mga Pangunahing Personalidad ng Batas Militar (pp. 124-128). Limbagang Pangkasaysayan. [Biographies; Philippine Martial Law; Philippines (1945-present)]
  • 31. Jose Lacaba
    In Roderick Javar, Ruben Jeffrey Asuncion, Axle Christien Tugano & Mark Joseph Santos (eds.), 50-50: TALAMBUHAY NG MGA PANGUNAHING PERSONALIDAD NG BATAS MILITAR, Limbagang Pangkasaysayan. pp. 154-158. 2022.
    Tugano, A.C. (2022). Jose Lacaba. In R. Javar, R.J. Asuncion, A.C. Tugano, & M.J.P. Santos (Auth.), 50-50: Talambuhay ng mga Pangunahing Personalidad ng Batas Militar (pp. 154-158). Limbagang Pangkasaysayan. [Biographies; Philippine Martial Law; Philippines (1945-present)]
  • 35. Imelda Romualdez-Marcos
    In Roderick Javar, Ruben Jeffrey Asuncion, Axle Christien Tugano & Mark Joseph Santos (eds.), 50-50: TALAMBUHAY NG MGA PANGUNAHING PERSONALIDAD NG BATAS MILITAR, Limbagang Pangkasaysayan. pp. 174-178. 2022.
    Tugano, A.C. (2022). Imelda Romualdez-Marcos. In R. Javar, R.J. Asuncion, A.C. Tugano, & M.J.P. Santos (Auth.), 50-50: Talambuhay ng mga Pangunahing Personalidad ng Batas Militar (pp. 174-178). Limbagang Pangkasaysayan. [Biographies; Philippine Martial Law; Philippines (1945-present)]
  •  1
    37. Primitivo Mijares
    In Roderick Javar, Ruben Jeffrey Asuncion, Axle Christien Tugano & Mark Joseph Santos (eds.), 50-50: TALAMBUHAY NG MGA PANGUNAHING PERSONALIDAD NG BATAS MILITAR, Limbagang Pangkasaysayan. pp. 184-188. 2022.
    Tugano, A.C. (2022). Primitivo Mijares. In R. Javar, R.J. Asuncion, A.C. Tugano, & M.J.P. Santos (Auth.), 50-50: Talambuhay ng mga Pangunahing Personalidad ng Batas Militar (pp. 184-188). Limbagang Pangkasaysayan. [Biographies; Philippine Martial Law; Philippines (1945-present)]
  • 41. Aquilino Pimentel, Jr.
    In Roderick Javar, Ruben Jeffrey Asuncion, Axle Christien Tugano & Mark Joseph Santos (eds.), 50-50: TALAMBUHAY NG MGA PANGUNAHING PERSONALIDAD NG BATAS MILITAR, Limbagang Pangkasaysayan. pp. 204-208. 2022.
    Tugano, A.C. (2022). Aquilino Pimentel, Jr. In R. Javar, R.J. Asuncion, A.C. Tugano, & M.J.P. Santos (Auth.), 50-50: Talambuhay ng mga Pangunahing Personalidad ng Batas Militar (pp. 204-208). Limbagang Pangkasaysayan. [Biographies; Philippine Martial Law; Philippines (1945-present)]
  • 43. Fidel Ramos
    In Roderick Javar, Ruben Jeffrey Asuncion, Axle Christien Tugano & Mark Joseph Santos (eds.), 50-50: TALAMBUHAY NG MGA PANGUNAHING PERSONALIDAD NG BATAS MILITAR, Limbagang Pangkasaysayan. pp. 214-218. 2022.
    Tugano, A.C. (2022). Fidel Ramos. In R. Javar, R.J. Asuncion, A.C. Tugano, & M.J.P. Santos (Auth.), 50-50: Talambuhay ng mga Pangunahing Personalidad ng Batas Militar (pp. 214-218). Limbagang Pangkasaysayan. [Biographies; Philippine Martial Law; Philippines (1945-present)]
  • 44. Rolex 12
    In Roderick Javar, Ruben Jeffrey Asuncion, Axle Christien Tugano & Mark Joseph Santos (eds.), 50-50: TALAMBUHAY NG MGA PANGUNAHING PERSONALIDAD NG BATAS MILITAR, Limbagang Pangkasaysayan. pp. 219-223. 2022.
    Tugano, A.C. (2022). ROLEX 12. In R. Javar, R.J. Asuncion, A.C. Tugano, & M.J.P. Santos (Auth.), 50-50: Talambuhay ng mga Pangunahing Personalidad ng Batas Militar (pp. 219-223). Limbagang Pangkasaysayan. [Biographies; Philippine Martial Law; Philippines (1945-present)]
  • 49. Fabian Ver
    In Roderick Javar, Ruben Jeffrey Asuncion, Axle Christien Tugano & Mark Joseph Santos (eds.), 50-50: TALAMBUHAY NG MGA PANGUNAHING PERSONALIDAD NG BATAS MILITAR, Limbagang Pangkasaysayan. pp. 244-248. 2022.
    Tugano, A.C. (2022). Fabian Ver. In R. Javar, R.J. Asuncion, A.C. Tugano, & M.J.P. Santos (Auth.), 50-50: Talambuhay ng mga Pangunahing Personalidad ng Batas Militar (pp. 244-248). Limbagang Pangkasaysayan. [Biographies; Philippine Martial Law; Philippines (1945-present)]
  • 5. Corazon Aquino
    In Roderick Javar, Ruben Jeffrey Asuncion, Axle Christien Tugano & Mark Joseph Santos (eds.), 50-50: TALAMBUHAY NG MGA PANGUNAHING PERSONALIDAD NG BATAS MILITAR, Limbagang Pangkasaysayan. pp. 24-28. 2022.
    Tugano, A.C. (2022). Corazon Aquino. In R. Javar, R.J. Asuncion, A.C. Tugano, & M.J.P. Santos (Auth.), 50-50: Talambuhay ng mga Pangunahing Personalidad ng Batas Militar (pp. 24-28). Limbagang Pangkasaysayan. [Biographies; Philippine Martial Law; Philippines (1945-present)]
  • 4. Benigno Aquino, Jr.
    In Roderick Javar, Ruben Jeffrey Asuncion, Axle Christien Tugano & Mark Joseph Santos (eds.), 50-50: TALAMBUHAY NG MGA PANGUNAHING PERSONALIDAD NG BATAS MILITAR, Limbagang Pangkasaysayan. pp. 19-23. 2022.
    Tugano, A.C. (2022). Benigno Aquino, Jr. In R. Javar, R.J. Asuncion, A.C. Tugano, & M.J.P. Santos (Auth.), 50-50: Talambuhay ng mga Pangunahing Personalidad ng Batas Militar (pp. 19-23). Limbagang Pangkasaysayan [Biographies; Philippine Martial Law; Philippines (1945-present)]
  •  638
    Ilang Tala ukol sa Paglalakbay ni Jose Rizal sa Sandakan, Borneo (1892)
    In Atoy Navarro & Emmanuel Jeric Albela (eds.), Jose Rizal sa Timog-Silangang Asya: Mga Salaysay ng ukol sa Singapura, Saigon, at Sandakan, Pup Center For Philippine Studies & Up Manila Area Studies Program. pp. 79-166. 2025.
    Sa pagitan ng dantaon 19 hanggang 20, maituturing na pribilehiyo ang makapaglakbay sa labas ng Pilipinas. Kabilang sa mga anyo ng pangangandayuhan sa ibayong dagat ang nakatuon sa mga pag-aaral at/o pagpapakadalubhasa, mga misyong politikal, at bilang isang ordinaryong turista. Ang mga nabanggit na layunin ay nasalamin sa mga talang pangmanlalakbay ni Jose Rizal (1878-1896) sa iba’t ibang panig ng daigdig. Bagama’t kalimitang itinatanghal sa mga anekdotang ito ang kaniyang mga karanasan sa pag-a…Read more
  •  453
    Matagal nang pinagkaabalahan ang pagtuklas at pagpapayaman sa ilang kaalaman kaugnay ng katawan (body) at kaisipan at diwa (psyche) bilang bahagi ng pagbubuo ng pagkataong Pilipino. Ngunit, may mga puwang pa ang kailangang matugonan sa usapin ng korporealidad (corporeality) lalo na ang yaong may kinalaman sa mga genitalia—ang titi (phallus) para sa katawang lalaki at puki para sa katawang babae. Kadalasan ang mga genital discourse sa kaso ng Pilipinas ay kalimitang palasak lamang o kung hi…Read more
  •  611
    Habang pinagkaabalahan sa mga nakaraang dekada ng teoretisasyon at pagdidiskurso sa kaisipan (pysche), pagkatao, pilosopiya, at iba pang sosyo-kultural-siyentipikong pag-aaral ng pagka-Pilipino at pagkataong Pilipino, hindi pa gaanong napalalawig ang antas ng somatikong lipunan o pag-aaral sa “katawang tao” o “katawan ng tao” bilang lunsaran ng politikal at kultural na pagsipat. Bagaman, isa sa dakilang ambag ni Prospero Covar ang eskema ng “pagkataong Pilipino” lakip ang selektibong pagpapalawi…Read more
  • Sa mga naging pag-aaral ni Rosario Cruz-Lucero (2003, 2006) unang pormal na natutuhan ang isang selebrasyon at ritwal ng Antique patungkol sa biblikal na karakter ni Judas Iscariote. Batay sa tinatawag na Pagbitay kag Pagsunog kay Hudas (Hudas-Hudas) (Tuazon, 2023), na bagaman ay laganap din sa ilang pamayanan sa labas ng Pilipinas, natatangi ang lalawigang ito dahil makikitang sinusunog ang effigy ni Judas na malalaglagan ng isang butò (pitoy, titi, o phallus). Sentro ng pag-aaral na ito ang pa…Read more